Manila, Philippines – Inilarawan ni Senate President Koko Pimentel bilang benevolent o mapagkawanggawa o mabait ang martial law na umiiral ngayon sa buong Mindanao.
Ayon kay Pimentel, wala siyang natatanggap na negatibong report mula sa mga taga Mindanao hinggil dito.
Diin ni Pimentel, ang Martial Law ngayon ay may malaking pagkakaiba sa Martial Law na naranasan ng bansa noon kung saan naghari ang takot at nawala ang kalayaan sa pagsasalita.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag sa harap ng kahilingan ng Malakanyang na mapalawig pa ang batas militar sa Mindanao na magtatapos sa December 31.
Ayon kay Pimentel, makabubuti din na magkaroon muna ng briefing ang mga Senado mula sa mga security officials.
Ito aniya ay para maging malinaw sa kanila ang basehan at mga impormasyong hawak ng militar para sa extension ng Martial Law sa Mindanao.
MABAIT NA MARTIAL LAW | Liderato ng Senado, suportado ang Batas Militar sa Mindanao
Facebook Comments