Mabangis na batas laban sa terorismo, inihain sa Senado

Manila, Philippines – Muling isinulong nina Senate President Tito Sotto III at Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong pigilin ang nagbabantang pagkalat ng terorismo sa bansa.

Target ng panukala na amyendahan ang Republic Act 9372 o Human Security Act of 2007 upang mas mabigyan ng lakas ang mga mahihinang probisyon na maaring gamitin ng mga teroristang nagbabalak maghasik ng karahasan.

Sa ilalim ng naturang panukala, lahat ng mga parusang igagawad ng batas ay may katapat na habambuhay na pagkakabilanggo na walang karampatang parole.


Kung ang akusado ay tauhan o opisyal ng pamahalaan ay tatanggalin ito sa trabaho, hindi na bibigyan ng pagkakataon na makabalik sa serbisyo at hindi na rin pagkakalooban ng mga benepisyo.

Ayon kay Lacson, ang pagsakop ng Maute Group sa Marawi City at mga insidente ng pinaniniwalaang kaso ng suicide bombing sa army camp sa Sulu ay patunay ng pangangailangan na mapalakas at mabigyan ng dagdag na ngipin ang ating batas kontra terrorismo.

Facebook Comments