MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO SA CALASIAO, NAIBSAN UMANO SA BAGONG LAGAY NA TRAFFIC LIGHTS

Ilang araw matapos maging operational ang bagong lagay ng mga traffic lights, lumuwag na ang daloy ng trapiko sa bayan ng Calasiao partikular sa Calasiao-Sta Barbara Junction Road, ayon sa POSO Calasiao.

Ayon kay POSO Calasiao Supervisor Jessie Laforteza, malaking tulong daw ang traffic lights sa nasabing bayan.

Dagdag pa niya ang pag-ikli ng waiting time ng mga motorista ngayong mayroon ng traffic lights.

Ikinatuwa rin ito ng mga motorista dahil mayroon na umanong “displina” ang mga drivers, lalo na sa mga marunong sumunod sa batas-trapiko, habang ang ilan naman, naniniwalang mas bumigat pa raw ang daloy ng trapiko mula ng nagkaroon nito.

Samantala, nasa limang enforcers araw-araw naman ang nakatalaga sa naturang highway. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments