Inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan ngayong Martes, Pebrero 10, simula alas-5 ng umaga, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-118 Foundation Day ng bayan.
Dahil dito, naglabas ng abiso ang Santo Tomas Municipal Police Station sa mga motorista, partikular sa mga malalaking sasakyan, na pansamantalang gumamit ng mga alternatibong ruta.
Pinayuhan naman ang mga maliliit na sasakyan na dumaan sa mga secondary roads upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga ipinatutupad na traffic advisories upang mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko sa kasagsagan ng selebrasyon.








