Mabigat na parusa laban sa mga whistleblower na bumabaligtad sa testimonya, iminungkahi ni Sen. Tulfo

Hiniling ni Senator Raffy Tulfo na patawan na rin ng mabigat na parusa ang mga whistleblower na bumabaliktad sa kanilang mga testimonya.

Ito ang deklarasyon ni Tulfo sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media hinggil sa Freedom of Information o FOI Bill.

Sinabi ni Tulfo sa pagdinig na suportado niya ang paglantad ng mga whistleblower lalo na sa mga kalokohan sa gobyerno ngunit kailangan din nilang panindigan ang kanilang testimonya.


Batid aniya na may mga ilang whistleblower ang bumabaligtad sa kanilang mga naunang testimonya na akala mo’y parang walang nangyari.

Ang mas nagiging kawawa aniya rito ay ang mga taong inakusahan.

Samantala, suportado naman ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan ang pagsasabatas sa FOI Bill matapos magdeklara ng suporta rito si Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments