Isinulong ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na mapatawan ng mabigat na parusa tulad ng 4 -taon na pagkakakulong ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na ilegal na nagpapayaman.
Nakapaloob ito sa House Bill 6626 o panukalang Anti-Illicit Enrichment and Anti-Illicit Transfer Act na inihain ni De Lima.
Ayon kay De Lima, daan ang kanyang panukala para mapanagot ang mga tiwaling taga-gobyerno na nakakalusot sa kasong plunder o pandarambong.
Giit ni De Lima, mahalagang naisabatas ang kanyang panukala upang natugunan ang matinding korapsyon sa pamahalaan tulad ng maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments









