Manila, Philippines – Posibleng may mas malalim na rason pa kung bakit ibinaba ng Pangulo ang Memorandum Order no. 32 na nagdadagdag ng tropa ng pamahalaan sa ilang probinsya sa Visayas.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, bilang Commander In Chief, maaari namang mag-deploy ng tauhan ang Pangulo sa kahit anong lugar sa bansa, kailan man nito naisin, kahit walang ibinababang Memorandum Order.
Gayunpan, sinabi ng Senador na posibleng may mas mabigat ma rason ang pangulo.
At dahil mas marami itong natatanggap na intel reports, sinabi ng senador na mas alam ng Pangulo ang dapat na gawin.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Lacson na naaayon naman sa konstitusyon ang MO 32.
Kung babasahin aniya sa 1987 Constitution may kakayahan ang Pangulo bilang Commander In Chief, na atasan ang Armed Forces of the Philippines na pigilan ang ano mang porma ng karahasan o rebelyon sa bansa.
Matatandaang ibinaba ng Palasyo ang MO 32 noong Huwebes, upang malabanan ang mga karahasan sa probinsya ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at sa Bicol Region.