MABIGAT NA REKLAMO | Kasong katiwalian, naging dahilan ng pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa grupo ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Ang kasong katiwalian na inihain ng grupong Gabriela at ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ang naging batayan ng Dept of Justice (DOJ) sa pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Dating Pangulong Benigno Aquino III at ang mga dating opisyal ng kanyang gabinete.

Bukod kay Aquino, inilagay din sa ILBO sina Dating Budget Secretary Florencio Abad, Dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at Dating Health Secretary Janette Garin.

Nasa ILBO din ang mga opisyal ng Sanofi na manufacturer ng Dengvaxia na sina Gillaume Leroy, Olivier Brandicourt, Dr. Ruby Dizon, Thomas Triomphe at Carlito Realuyo.


Ayon sa DOJ, mabigat ang reklamong kinakaharap ng respondents kaya may posibilidad na sila ay tumakas sa asunto

Una nang inatasan ng DOJ ang immigration officers na maging mapatmatyag sakaling mamataan sa international ports at seaports ang respondents.

Facebook Comments