MABIGAT | Problema sa passport appointment system, tiniyak na tutugunan ng DFA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gumagawa na ng paraan ang ahensya para masolusyunan ang problema sa passport appointment system.

Ayon kay DFA Usec. Jose Luis Montales, kabilang sa ikinukunsidera nilang solusyon ang pagbubukas ng kanilang tanggapan sa Aseana tuwing Sabado, pagdaragdag ng consular office at paggamit ng e-payment system.

Mabigat aniya ang problema sa isyung ito dahil lumaki ang demand para sa pasaporte pero hindi naman sila nadadagdagan ng tauhan.


Facebook Comments