MABILIS AT MABISANG PAGTUGON NG KAPULISAN SA MGA EMERHENSIYA, BINIGYANG-DIIN

Binigyang-diin ang pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko mula sa mga emerhensiya o peligro sa pamamagitan ng mabilis na aksyon sa kinauukulan.

Ayon kay Police Regional Office 1 Acting Regional Director Police Brigadier General Dindo Reyes, hindi sapat ang mabilis lamang, kailangang ito ay wasto at nararapat na pagtugon sa gitna ng mga nirerespondehang insidente o kaganapan ng mga kapulisan.

Target ng hanay ng kapulisan sa Rehiyon Uno ma-iprayoridad ang kailan lamang ibinabang kautusan ni PNP Chief Nicolas Torre III na 3 to minute response time sa mga itinatawag na emergency mula sa nasasakupang lugar.

Dagdag pa ni Reyes na tinutukoy na ngayon ang ilang mga lugar sa rehiyon na nangangailangan ng mas pinalakas na police presence upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments