Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on EnergeyChairman Senator Sherwin Gatchalian sa Palasyo na magsagawa ng malalimangimbesigasyon sa Energy Regulatory Commission o ERC.
Ito aniya ay para malinis sa lalong madaling panahon angERC mula sa lahat ng tiwaling opisyal, kwestyunableng kontrata at iba pang anomalya.
Binigyang diin ni Gatchalian na dapat matiyak naginagamit ng ERC ang kapangyarihan nito para kapakanan ng publiko at hindi parabusugin ang matatakaw at corrupt na mga indibidual.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng 90 araw na supsensionna ipinataw ng Malacañang kay ERC Chairman Jose Vicente Salazar dahil sa mgakasong administratibo tulad ng dishonesty at grave misconduct.
Ayon kay Gatchalian, ang mga kontrobersyang kinakasangkutanni Salazar ay nagdulot ng bahid sa integridad ng ERC na may mahalagang gampaninsa power sector ng bansa.
Kailangan aniya itong maresobla agad para mapangalagaaanang energy regulatory mechanism ng pamahalaan.
Mabilis at malalimang imbestigasyon sa ERC, iginiit ni Sen. Gatchalian sa Malacañang
Facebook Comments