Manila, Philippines – Pinuri ni dating DILG Secretary Raffy Alunan ang mabilis na pag-aksyon ng pamunuan ng Ateneo de Manila University hinggil sa isa nitong estudyante na sangkot sa viral bully video.
Matatandaang pinatawan ng “dismissal” ng Ateneo ang junior high school student na si Joaquin Montes na nam-bully ay nananakit ng kanyang kapwa estudyante.
Pero umapela pa rin si Alunan sa school principal na mahigpit na pairalin ang disiplina sa kanilang mga estudyante para hindi na maulit ang bullying incident.
Dapat din aniyang magtulungan ang mga school authority, parents association, educational institution at law enforcement agency para maresolba ang isyu.
Samantala, nilinaw ng PNP na walang pangalang Joaquin Montes Sr sa kanilang hanay taliwas sa naunang pahayag ng dating kalihim na anak ng police scalawag ang Ateneo student.
Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Benigno Durana Jr., batay sa nakuha nilang impormasyon mula sa Ateneo, kabilang sa hanay ng medical professionals ang ama ni Montes.