Mabilis na aksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga naapektuhan ng malakas na lindol sa ilang lugar sa Mindanao, inutos ni PBBM

Agad na naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos, sa mga concerned government agencies matapos ang naranasang 6.8 magnitude na lindol sa Saranggani, Davao Occidental.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, mahigpit ang bilin ng pangulo sa mga concerned government agencies na tiyaking maayos ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Pinabibilisan rin ng pangulo ang aksyon ng mga ahensya ng gobyerno na dapat na tumulong sa mga apektado ng lindol.


Samantala, sa mensahe pa ng pangulo sa kanyang official Twitter account sinabi nitong activated na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at mga Civil Defense Regional Offices para sa mahigpit na ugnayan sa mga local units upang makapagbigay ng real-time updates.

Sinabi pa ng president, na sa ganitong panahon tiniyak niya na prayoridad ang kaligtasan at recovery ng mga apektado ng lindol.

Ang pangulo at ang kanyang delegasyon ay nasa Estados Unidos ngayon para sa apat na araw na working visit.

Bukas pa ang nakatakda nitong pagbalik sa Pilipinas.

Facebook Comments