Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 testing ng mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang OFWs ang nagrereklamo na inaabot ng halos tatlong araw naaantala ang kanilang test results.
Pagtitiyak naman ng pinuno ng National Task Force against COVID-19 at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, na nireresolba na ang problemang ito.
Aniya, nakapagtala ang Philippine Red Cross (PRC) ng massive infections na nagpwersa sa organisasyon na ipahinto ang kanilang testing services.
Ang mga government hospitals ay tumutulong na sa PRC sa testing at nagdodoble kayod para maibigay ang pangangailangan ng mga OFWs na dumarating sa bansa.