MABILIS NA HUSTISYA | Senador Leila de Lima, umapela kay Pangulong Duterte kaugnay sa pananambang kay Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco

Manila, Philipines – Hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Senador Leila de Lima kay na bigyan ng mabilis hustisya ang nangyaring pananambang kay Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.

Umaapela ang Senadora na mabilis maaksyunan ang mga dumaraming kaso ng karahasan sa hanay ng abogado at opisyales sa justice sector dahil maituturing ito na pag-atake sa kabuuan ng legal profession at judicial system.

Maliban sa Pangulo, tinatawagan din ng pansin ng nakakulong na senador ang kapulisan kasama na ang National Bureau of Investigation (NBI) na madaliang bigyan ng katarungan ang kamatayan ni Velasco upang maipakita sa mga masasamang elemento ng lipunan na hindi palalampasin ng estado ang ganitong uri ng tinatawag na “heinous crime”.


Sabi pa ni de Lima na kaisa siya ng Justice Department at ng sambayanan na kumokondena sa pangyayari na kagagawan aniya ng mga indibidwal na walang konsensya sa pag patay sa isang abogado at prosecutor na iginagalang at hinahangaan sa kanyang serbisyo.

Kasabay nito, umaasa ang Senadora na umusad na ang kanyang Senate Bill No. 1721 na mag-aamiyenda sa Article 14 ng Revised Penal Code para sa dagdag proteksyon ng mga nasa legal profession at justice sector officials.

Facebook Comments