Manila, Philippines – Kumpiyansa si Information and Communication Technology Secretary Eliseo Rio Jr. na magkakaroon na nang maayos at episyenteng internet provider ang bansa sa susunod na taon.
Tinawag niya na 20/20 vision, sinabi ng kalihim na ito ang magpapabilis sa mga connectivity sa buong bansa na hihimok sa maraming investor na maglagay ng puhunan na magiging susi sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sa isang Pulong Balitaan sa Maynila, inihayag ni Eliseo na sa itatayong common tower na isang konsepto na inaalok ng DICT, ang layon nito ay pagkakaisa at sanib-sanib ng tatlong network provider upang ibagsak ang presyo at lumiit ang cost of maintenance upang sa gayon mababa ang singil sa mga subscriber.
Nilinaw ng kalihim na nagtakda ng 25.7- billion pesos na performance bond na magsisilbing garantiya na tutuparin ang pinangakong super-bilis na internet sa buong bansa.