Inatasan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang operating units nito na gawing mabilisan ang monitoring at pagre-report ng napinsala ng Bagyong Ambo.
Ito’y upang mapabilis ang gagawing quick response ng ahensya sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.
Ayon kay Dar, dapat ay sundin ng lahat ng DA Regional Executive Directors ang mga institutionalized na special operating procedures sa panahon ng pagdating ng bagyo sa bansa.
Sa ngayon aniya ay nakahanda na ang kanilang quick response fund para sa rehabilitasyon ng mga maapektuhang lugar.
Naka-preposition na ang 75,875 bags ng rice seeds, 8,448 bags ng corn seeds at mga assorted vegetable seeds para sa Regions 4A, 5, 6, 7 at 8
Nakahanda na rin ang mga panglunas sa livestock at poultry operators.
Idinagdag ni Dar na may sapat ring pondo para bayaran ang mga napinsalang pananim ng mga magsasaka sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).