Mabilis na pag-apruba ng Kamara sa panukalang 2025 national budget, welcome sa DBM

Katanggap-tanggap para sa Department of Budget and Management (DBM) ang mabilis na pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion na 2025 budget.

Pinuri ni Budget Sec. Amenah pangandaman ang mga kongresista para sa masusing pagbusisi sa panukalang budget.

Nagpasalamat din ang DBM sa Senado para sa pangakong pagpasa ng budget sa takdang oras.


Matatandaang nitong Miyerkules ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang 2025 General Appropriations Bill, matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tututukan sa 2025 budget ang edukasyon, agrikultura at food security, health care, social protection, kalakalan, imprastraktura, at innovation.

Facebook Comments