Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ang pagpapaapruba ng Senado sa Senate bill no 1076 o ‘Malasakit Center’ bill.
Ang panukala na layong maglagay ng Malaskit center o one-stop-shop medical at financial assistance sa lahat ng ospital ng DOH at PGH.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sa oras na maisabatas ito, padadaliin nito ang buhay ng milyong mga Pilipino na dumudulog ng tulong sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dahil lahat ng ito ay matatagpuan na sa one-stop-shop.
Pinapurihan rin ng kalihim ang Senado sa mabilis na pag-aapruba ng panukala, lalo at bahagi ito ng commitment ng administrasyon na magbigay ng accessible assistance at health care sa mga Pilipino.
Matatandaang sa botong 18-0 inaprubahan ng Senado ang Senate Bill no. 1076 o Malasakit Center bill, sa ikatlo at huling pagbasa.