Mabilis na pag-proseso ng claims, ipinagmalaki ng PhilHealth

 

 

Ipinagmalaki ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na naging mas mabilis na ngayon ang proseso ng claim.

 

Ito’y matapos nilang inilabas ang Claim Form – 4 o CF4 noong March 1, 2019 kaya’t ang dating proseso na inaabot ng animnaput tatlong araw ag matatapos na lamang ng labing pitong araw o dalawang linggo.

 

Mas pinabilis daw nito ang trabaho ng mga doktor sa pagreview ng claims ng mga pasyente lalo na’t computerized na din ang proseso nito.


 

Sinabi naman ni Dr. Roy Ferrer, acting President at CEO ng PhilHealth. Nangangailangan sila ng 130 katao para maging fraud investigator na idedestino sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa, limamput apat na medical doctors na siyang mag-e-evaluate ng claims at labing dalawang abogado.

 

Sa kabila din ng kinakaharap na isyu, sinabi ni Ferrer na na financially stable ang PhilHealth ay nasa maayos na kalagayan pa din ang kanilang operasyon

 

Facebook Comments