Nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na dagdagan ang listahan ng mga gamot na dapat tapyasan ng presyo at bilisan ang pagbili ng medical at personal protective equipment o PPE para tugunan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Hiling ni Marcos, isama sa listahan ng 72 mga gamot na saklaw ng price regulation, ang mga gamot para sa mahihina ang immune system gaya ng mga may sakit na diabetes, hypertension at lung disorder.
Nakiusap din si Marcos sa health officials na bilisan ang pagbili ng mga COVID-19 testing kits at personal protective equipment o PPE para sa mga medical staff na nasa frontline ngayon.
Umaasa din si Marcos sa agarang pagbili ng dagdag pang mga kagamitan sa ospital tulad ng oxygen, ventilators at mga kama para sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon kasama na ang mga COVID-19 patients.