Mabilis na pagkalat ng Avian Flu sa ibang bansa, dapat paghandaan na ngayon ng gobyerno

Iginiit ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pamahalaan partikular sa Department of Agriculture (DA) na ngayon pa lang ay paghandaan na ang napipintong pagpasok sa bansa ng Bird Flu na mabilis ngayong kumakalat sa South America.

Mensahe ito ni Salceda sa DA kasunod ng babala ng World Health Organization (WHO) laban sa tumitinding H5N1 Avian Influenza Virus na sanhi ngayon ng pinakamalaking outbreak ng Avian Influenza sa mundo.

Ayon kay Salceda, pangunahing lugar sa bansa na dapat tutukan ang Batangas at Cebu na inaasahang magiging hotspots ng Bird Flu.


Bunsod nito ay hinikayat ni Salceda ang pangulo na bumuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Animal Disease na pamumunuan ng DA.

Iminungkahi rin ni Salceda na tularan natin ang ikinasang malawakang poultry vaccination programs ng Vietnam, Egypt, China at France.

Kasama rin sa suhestyon ni Salceda ang pagsasailalim sa agricultural insurance ng mga poultry farms, at pagkakaroon ng low-interest loans for biosafety investments sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council.

Inirekomenda rin ni Salceda ang pagpapatupad ng disease surveillance mechanisms katuwang ang grupo ng mga magsasaka.

Facebook Comments