Mabilis na pagkakapasa ng IRR ng Anti-Terrorism Law, ikinatuwa ng AFP

Nagpahayag ng kasiyahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa napapanahong pag-apruba ng Anti-Terrorism Council sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act (ATA).

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, umaasa ang militar na ang mga nilalaman ng IRR sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act ay magiging epektibong pangontra sa mga terorista.

Mas nabigyan aniya ng kapangyarihan ang AFP na tugisin at panagutin sa batas ang mga indibidwal o grupo na naghahasik ng pananakot at karahasan sa bansa.


Nilinaw naman ni Arevalo na walang dapat ipangamba ang mga “law-abiding citizens” dahil aniya ang dapat lang matakot sa bagong batas ay ang mga terorista at kanilang mga tagasuporta.

Sinabi pa ni Arevalo ni tinitiyak ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na patuloy na itataguyod at ipagtatanggol ng AFP ang mga karapatan ng mamamayan na nakabatay sa nakasaad sa konstitusyon.

Facebook Comments