Viral ngayon sa social media ang video ng isang ginang na sakay ng Isang pampasaherong bus sa La Union na mabilis ang pagpapatakbo.
Sa video na kuha ng pasaherong si Nova Oliva, maririnig na nagmamakaawa ito maging ang ilang pasahero, na ihinto ang bus at bumaba na lamang dahil sa takot.
Ilan sa mga pasahero ay naririnig ding sumisigaw at nagrereklamo sa konduktor, ngunit hindi sila pinapansin.
Ayon kay Olivia, tinakbo ng bus ang rutang Balaoan hanggang Bacnotan, La Union sa loob lamang ng limang minuto na masyadong mabilis Umano kumpara sa karaniwang 15 minutong biyahe.
Naireport na sa LTFRB ang driver ng bus kung saan patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.
Samantala, inilunsad na ng LTO Region 1 ang Oplan D’best na kayong matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong Semana santa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨