Mabilis na pagpasa ng proposed 2018 National Budget sa Senado, inaasahan ng palasyo

Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na mabilis na makapapasa sa Senado ang proposed budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sana ay aaprubahan agad ng Senado ang kanilang bersyon ng 2018 national budget para agad na sumalang sa bicameral conference at matalakay ang consolidation ng dalawang panukala.

Nagkakahalaga ang nasabing budget ng 3.767 trillion pesos, mas mataas ng 12.4% sa 2017 national budget.


Umaasa naman si Abella na ang 2018 national budget ay magbibigay ng matatag, maginhawa at panatag na buhay sa mamamayang Pilipino.

Facebook Comments