Asahan na ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw o linggo dahil sa Omicron subvariant BA.4.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, bagama’t marami na ang bakunado, maaari pa ring tamaan ng infection dahil humihina ang immunity nito lalo na kung walang booster shot.
Aniya, wala ring kasiguraduhan na ang primary doses ay kayang maprotektahan ang mga tao laban sa subvariant.
Gayunman, sinabi ni Solante na base sa mga datos ay hindi naman magdudulot ng matinding impeksyon ang subvariant kaya hindi labis na maapaektuhan ang hospital utilization rate ng bansa.
Facebook Comments