Mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo, mananatili sa huling quarter ng taon

479

Mananatiling mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa huling quarter ng taon.

Ito ang inaasahan ng Department of Finance (DOF).

Ito ay dahil sa pagtaas din ng pamasahe kamakailan at ang epekto ng Super Typhoon Karding sa suplay ng pagkain.


Pero, nakikita pa ring bababa ito sa 4.5 hanggang 5.5 % na pagtaya ng development budget coordination committee para sa taong ito.

Para mapangasiwaan ang inflation, sinabi ng DOF na importante ang napapanahong pagpapatupad ng pamahalaan ng mga hakbang para makontrol ang epekto ng tuloy-tuloy na supply side pressures sa pagkain at iba pang commodities.

Facebook Comments