MABILIS NA PROSESO │LGUs, pinagagawa ng ‘one-stop shops’ ng DILG

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na lumikha ng ng ‘one-stop shops’ para mapabilis ang pagproseso ng building permits at certificate of occupancy sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Officer-In-Charge Catalino Cuy, layunin nito na pag-isahin ang maraming mekanismo para sa Joint Memorandum Circular (JMC) sa pagitan ng DILG, Department of Public Works and Highway (DPWH), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI) upang maiwasan ang ‘red tape’ sa pagkuha ng building permit at certificate of occupancy.

Alinsunod na rin ito sa kagustuhan ni President Duterte na magkaroon ng frontline services para mabawasan ang oras at maisaayos ang proseso ng mga dokumento at para sa global competitiveness surveys.


Facebook Comments