Mabilis na Proseso at Pagkuha ng Pondo, Isa Umano sa Kabutihan ng Federal Constitution Ayon kay Commissioner Atty. Susan Ordinario!

*Cauayan City, Isabela- *Isa umano sa pinakamalaking kabutihan ng Federal Constitution sa publiko ay ang mabilis na pagproseso at pagkuha ng pondo na mga Local Officials sa magiging Regional Governor na magmamandu sa isang Federated Region para sa pangangailangan, programa at proyekto para sa nasasakupang lugar.

Ayon kay Commissioner Atty. Susan Ordinario, mapapabilis umano ang mga gagawing proseso o pagkuha ng pondo para sa mga ipapatayong struktura at para sa mga gagawing proyekto at programa kumpara sa kasalukuyang Sistema ng ating Pamahalaan na centralized ang pondo ng Pilipinas.

Magsisilbi rin umano itong pagkakataon para sa isang lugar na umangat sa kanyang estado dahil mabibigyan na ng kalayaan ang mga mamumunong opisyal para sa kanilang mga gagawing plano para sa ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan.


Dagdag pa ni Atty. Ordinario na mabibigyan ng apat na taong termino ang lahat ng mga maluluklok na Regional Governor maging sa lahat ng mga mababang opisyal.

Nilinaw pa ng Commissioner hinggil sa Political dynasty na hindi pwedeng magkasabay at magkasunod na mauupo sa pwesto ang mga magkakamag-anak hanggang sa second degree of Affinity or Consanguinity.

Facebook Comments