Mabilis na rehabilitasyon ng Cebu Provincial Hospital, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagsasaayos ng Cebu Provincial Hospital matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol upang agad na maibalik sa normal ang operasyon nito.

Ayon sa Pangulo, wala namang malaking pinsalang estruktural na natamo ang pasilidad.

Iniulat naman ni Medical Center Chief Dr. Zoraida Yorango na kahit isinasailalim sa pagkukumpuni, nakapagsagawa pa rin ang ospital ng 19 na operasyon mula nang tumama ang kalamidad.

Target ng pamunuan na makabalik sa full operation ang Cebu Provincial Hospital ngayong buwan upang mas mapagsilbihan ang mga pasyente at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng nasa loob ng pagamutan.

Facebook Comments