Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na screening ng mga potential appointees para sa board ng Overseas Filipino Bank o “OFBank”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – inilabas ng Pangulo ang direktiba kay Finance Secretary Carlos Dominguez sa cabinet meeting nitong Lunes upang makapagtalaga siya ng mga opisyal sa bank board na dumaan sa masusing pagsasala.
Dagdag ni Panelo – magiging “operational” ang bangko kapag may itinalaga ang Pangulo sa natitirang tatlong miyembro ng board.
Matatandaang noong January 2018 ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng OFBank na magbibigay ng financial products at services sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan abroad.
Facebook Comments