Madali na nating maaabot ang population protection sa mga susunod na buwan dahil sa mabilis na vaccine rollout.
Ito ang inihayag ni NTF Against COVID-19 Special Adviser Dr. Teodoro Herbosa matapos na umabot na ngayon sa 4 percent ang bilang ng mga nabakunahan nang indibidwal sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Herbosa na target kasi ng pamahalaan na umabot sa hanggang 1.5 milyong indibidwal ang mabakunahan kada linggo.
Samantala, umaasa naman si Herbosa na maiaanunsyo na bukas ang magiging uniform protocols para sa mga bumibiyaheng fully vaccinated na matapos ang magiging pulong ngayong araw.
Ayon kay Herbosa, pabor siya sa pagpapatuloy ng turismo lalo na sa mga lugar na wala nang masyadong kaso ng COVID-19.
Facebook Comments