Nanawagan si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na madaliin ang pagtugon sa alok ng Indonesia na ilipat na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso.
Taong 2010 ng mahatulan si Veloso ng parusang kamatayan dahil sa pagdadala ng 2.6 kilos ng heroin sa kanyang maleta na aniya’t hindi nya alam at noong 2015 ay ipinagpaliban ang pagbitay sa kanya.
Para kay Brosas, hindi makatwiran ang pagkakulong kay Veloso sa Indonesia sa loob ng 14 na taon dahil hindi naman ito kriminal kundi biktima ng sistemang nagpapanatili sa kahirapan ng mamamayang Pilipino.
Ayon kay Brosas, ang kaso ni Mary Jane ay patunay na ang kahirapan, kawalan ng disenteng trabaho, at mumong pasahod sa ating bansa ang nagtutulak sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kababaihan, na maging biktima ng human trafficking at drug syndicates.
Sakaling maiuwi bansa si Veloso ay hinihiling ni Brosas sa pamahalaan na tratuhin si Veloso ng may dignidad at ibigay ang serbisyong nararapat sa kanya bilang isang biktima ng human trafficking.