Agad na ipinag-utos ngayon ng alkalde ng bayan ng Mangaldan na si Mayor Bona Fe De Vera Parayno ang agarang pag-aalis o pag-dismantle sa mga nakatayong iligal na fish cages at fishpens sa bahagi ng Angalacan River na matatagpuan sa nasabing bayan.
Ang naturang utos ay dahil sa napagkasunduan ng lokal na pamahalaan ng bayan at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 sa naganap nilang pulong kamakailan.
Pag-aamin ng alkalde na ang dahilan ng pagpayag ng LGU sa paglalagay ng mga fish cages at fishpens ay para sa personal consumption ng mga mangingisda ngunit hindi para sa “commercial exploitation”.
Ayon pa sa alkalde, hindi aniya makatarungan ang paglalagay ng mga iligal na istruktura ng mga nagpatayo sa lugar.
Ipinaliwanag din ng alkalde na ang pag-aalis sa mga ito ay tanging pagsunod lamang ng LGU sa kahalagahan sa ecological preservation at mas pantay na pagbibigay ng mga resources partikular na sa mangingisda sa bayan.
Nilinaw ngayon ng Municipal Agriculture Office na ang bahaging Angalacan River ay lugar na pagmamay-aari ng pamahalaan kung saan matatawag na iligal at labag sa batas ang pagtatayo ng mga pribadong indibidwal ng mga istrukturang ito.
Pinag-aaralan na ngayon ng LGU ang plano ng BFAR Region 1 na gawing isang aquaculture sites ang ilog para sa oyster farming na mas makakatulong sa LGU bilang isang income generating project.
Inihayag din ng opisyal ang kagustuhan nitong gawing isang Eco-tourism site ang Angalacan River para sa pagpapalago ng environmental conservation at gayundin ang pamamahagi ng sustainable economic growth para sa mga Mangaldanians.

Facebook Comments