Mabini, Batangas niyanig ng 4.5 na magnitude na lindol

148

Niyanig ng 4.5 na magnitude na lakas na lindol ang probinsiya ng Batangas kaninang 1:25 ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang pagyanig sa layong 008 km Timog Kanlurang bahagi ng Mabini, Batangas.


May lalim ito na 002 kilometers at ang pinagmulan ay tectonic.

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity II – Muntinlupa City
Intensity I – Quezon City; Carmona at Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon

Facebook Comments