MABISANG SISTEMA NG IRIGASYON, ISINUSULONG NG NIA-ISABELA IMO

CAUAYAN CITY- Isa sa mga programang isinusulong ng National Irrigation Administration – Isabela Irrigation Management Office ay ang pagkakaroon ng mabisang sistema ng irigasyon sa lalawigan.

Pinasinayaan kamakailan ang dalawang 7.5 HP solar pump irrigations projects sa San Nicolas at San Isidro, Delfin Albano.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga benepisyaryo, mga opisyal ng Delfin Albano, at tauhan ng NIA-Isabela IMO.


Layunin ng programa na tugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka ng Delfin Albano kung saan kalahati ng 18,000 hektarya ng lupain ng bayan ay ginagamit sa Agrikultura.

Facebook Comments