MABUHANGING TUBIG SA ILANG BARANGAY SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA SINOSOLUSYUNAN

Nilinaw ng PAMANA Water District Dagupan ang reklamo ng ilang residente kaugnay sa buhangin na sumasama sa suplay ng tubig sa ilang barangay.

Ayon kay Ms. Ma. Margarita Navata, tagapagsalita ng PAMANA Water District, ang insidente ay dulot ng kakulangan ng sand separator sa 24 na pumping stations sa lungsod, sanhi ng limitadong espasyo para sa paglalagyan nito.

Ipinaliwanag din ni Navata na nagkakaroon sila ng dilemma kung dapat bang lakasan ang pressure, na nagreresulta sa paghahalo ng buhangin, o panatilihing mababa ang pressure upang maiwasan ang buhangin.

Hindi rin umano nila matukoy kung kailan dumarami ang buhangin sa suplay ng tubig.

Bagama’t may ganitong mga insidente, tiniyak ng PAMANA Water District na nananatiling potable o ligtas inumin ang tubig. Patuloy din silang nagsasagawa ng regular flushing sa mga lugar kung saan naiuulat ang problema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments