Mabuhay Miles program ng Philippine Airlines, nakaranas ng cybersecurity incident

Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) na nagkaroon ng cybersecurity incident sa kanilang Mabuhay Miles loyalty program.

Sa abiso na inilabas ng PAL sa mga miyembro ng naturang programa, ipinabatid ng IT service provider nitong Acceleya ang insidente dahilan para maapektuhan ang kanilang sistema.

Nakompromiso nito ang ilang impormasyon ng ilan sa mga miyembro nito katulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, nationality, kasarian, petsa ng pagsasali sa programa, tier level at points balance nito.


Sa kabilang banda, tiniyak ng Acceleya na hindi nito nakompromiso ang ilang mahahalagang detalye katulad ng password, flight itineraries, passport numbers, ticket numbers, contact details at credit card information.

Humingi naman ng pasensya ang airlines company sa naturang insidente.

Facebook Comments