Mabusising konsultasyon sa lahat ng sektor para sa EDSA Rehab, ipinanawagan ng ilang Senador

Nanawagan ang mga senador ng mabusising konsultasyon sa lahat ng mga sektor patungkol sa EDSA Rehabilitation.

Ang apela ng mga senador ay kasunod na rin ng pagsuporta nila sa desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang implementasyon ng EDSA rehabilitation ngayong buwan.

Iginiit nina Senator Grace Poe at Senator Joel Villanueva ang pagsasagawa ng mas maraming konsultasyon hinggil sa proyekto.

Ayon kina Poe at Villanueva, bukod sa mga stakeholder ay kailangang kasama rin sa pagkakasa ng malawakang konsultasyon ang mga apektadong grupo upang makakuha ng mga ideya at solusyon kung papaano maibsan ang matinding trapiko habang may EDSA rehab.

Kumpiyansa si Poe na ang mga susunod na linggo ay ilalaan sa paglalatag ng komprehensibo at epektibong plano para sa Traffic Management kapag nagsimula na ang roll out ng rehabilitasyon.

Facebook Comments