Mabuti pa ang netizens may malasakit!
Ito ang inihayag ni BB Gandanghari na mag-isang naninirahan ngayon sa Los Angeles, California.
Hindi maiwasang mabanggit ni BB ang pagdaramdam niya sa kanyang pamilya, na ni hindi raw siya makuhang kumustahin kahit sa telepono man lang.
Pag-amin ni BB, ipinaramdam daw ng kanyang pamilya na wala siyang kuwentang tao at hindi nito deserve na kamustahin.
2016, nang kinilala ng isang U.S. Court ang pangalan niyang BB Gandanghari at ang gender niya bilang female pero simula raw noon ay iba na ang pagtrato sa kanya ng kanyang pamilya.
Aminado si BB na nasaktan siya ng kanyang pamilya kung saan masama raw ang loob niya sa mga ito.
Si BB kilala dati bilang matinee idol na si Rustom Padilla at kapatid nina Robin Padilla at Rommel Padilla.