MABUTING RELASYON | Mas matatag na ugnayan sa ibang bansa, pinagmalaki

Manila, Philippines – Iniulat ng Malakanyang na mas matatag ang ugnayan ngayon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ayon sa Palasyo, malaking tulong dito ang pag-host ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at ang mga matagumpay na mga state at official visit ng Pangulong Duterte sa iba’t ibang bansa.

Dahil anila sa ASEAN summit, walong mga ‘priority economic deliverables’ ang nakuha na ng Pilipinas.


Bukod pa ito sa multi-million grants at pledges mula sa malalaking bansa bansa tulad ng Estados Unidos, Russia, Canada, China, Japan at New Zealand.

Ang investment deals ng gobyerno ngayong taon ay lilikha ng libo-libong mga trabaho sa maraming mga Pinoy.

Facebook Comments