Maconacon, Isabela niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Maconacon, Isabela, Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 31 kilometro ang lindol na yumanig alas-7:36 ng gabi at naramdaman sa mga karatig lalawigan.

Naitala ang Intensity V sa Enrile, Cagayan at Intensity IV sa Tuguegarao City.


Instrumental intensity naman ang naitala sa Gonzaga, Cagayan; Intensity II sa Ilagan, Isabela; Tabuk, Kalinga at Madella, Quirino.

Intensity I ang naramdaman sa Casiguran at Baler, Aurora; Laoag City, Pasuquin at Batac sa Ilocos Norte at Santiago City sa Isabela.

Wala namang naitalang pinsala pero asahan ang aftershocks ayon sa Phivolcs.

Nagkaroon na ng aftershocks kaninang 7:41 pm na may lakas na magnitude 2.2 at magnitude 2,9 naman kaninang 7:43 pm.

Facebook Comments