Cebu – Ipakikila ang bagong Mactan-Cebu International Airport o MCIA terminal 2 ngayong araw.
Ang MCIA terminal 2 ang pinakaunang resort airport sa mundo at dinisenyo alinsunod sa kultura ng Cebu.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), gawa ang bagong gusali sa energy efficient at environment friendly na mga kagamitan.
Gawa din sa kahoy ang malaking bahagi ng paliparan habang hinabing abaca ang idinisenyo sa mga counter.
Isa ang Cebu based international designer na si Kenneth Cobonpue sa nagdisenyo sa bagong airport terminal.
Dadalo si Transportion Secretary Arthur Tugade sa pagpapasinaya ng MCIA terminal 2 na inaasahang magtatas sa passenger capacity ng ng airport sa 12 million mula sa kasalukuyang 4.5 million lamang.
Sa July 1 opisyal na bubuksan sa mga commercial flight ang bagong terminal.