Ipinatawag ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem B. Mastura bilang chair ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at Municipal Peace and Order Council (MPOC) para sa kanilang regular meeting.
Sa pulong ay tinalakay ang mga programa ng LGU – SULTAN KUDARAT, tulad ng SALAM BARANGAY PROGRAM, BALIK BARIL PROGRAM, ANTI ILLEGAL DRUG CAMPAIGN, ANTI TERRORISM CAMPAIGN, REHABILITATION PROGRAM para sa drug surrenderees at ang OFW HOTLINE PROGRAM.
Ang mga programang ito ay kasalukuyan isinasagawa at nagawa na.
Ilan dito ay inisyatibo at ipinatupad sa pangunguna mismo ni Mayor Mastura.
Mas lalo pang pinaiigting at pinahuhusay ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat ang paghahatid ng serbisyo sa kanilang constituents para sa kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng bawat mamamayan ng bayan ng Sultan Kudarat.
MADAC, MPOC meeting isinagawa sa bayan ng Sultan Kudarat!
Facebook Comments