Madalas na aberya ng MRT-3, isinisi ng maintenance provider sa disenyo ng tren

Manila, Philippines – Isinisisi ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) na siyang maintenance provider ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na ang madalas na dahilan ng aberya ay ang disensyo at kalidad ng mga tren.

Ito ang lumabas sa audit report ng Commission on Audit (COA) kung saan iginiit ng BURI na kailangang ikonsidera ang disenyo ng sistema pati na ang kalidad ng mga tren dahil nakakaapekto ito sa sistema.

Ayon pa sa BURI, hindi lang naman nakadepende sa maintenance works ang kondisyon ng MRT kundi sa mismong istraktura at disenyo nito.


Kabilang sa mga isyu sa disenyo, ang sobrang lateral movement ng light rail vehicles, maiksing delay time ng onboard automatic train protection equipment, mahinang kapasidad ng airconditioning unit at ang mahinang kalidad ng line contractors, couplers, bogie frames at tracks.

Paliwanag ng BURI, ito ang dahilan ng pagkasira ng mga electrical, electronic at mechanical parts ng tren.

Dahil dito, inirekomenda naman ng COA sa Department of Transportation (DOTr)
Ikonsidera nila ang pagkuha ng accredited expert para masiyasat ang performance efficiency ng MRT kasunod ng pahayag ng BURI.

Facebook Comments