Madalas na biyahe ni PBBM sa ibang bansa, pinuna ng isang senador

Sinita ni Senator Risa Hontiveros ang madalas na biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa ibang bansa.

Ayon kay Hontiveros, hindi niya iniaalis ang posibleng benepisyo na dulot ng ‘foreign trips’ at hindi rin ito matatawaran kahit sinumang presidente ang nakaupo.

Pero para sa senadora, kung numero ang pagbabatayan ay medyo sobra na ang biyahe ng pangulo.


Sa loob aniya ng pitong buwan ay nakawalong trips o biyahe si Pangulong Marcos gayong nahaharap ang bansa sa domestic economic issues na lubos na nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Hontiveros, kung sa Nobyembre pa ang balak na susunod na biyahe ng pangulo ay dapat sa pagkakataong ito ay maramdaman na ang leadership na hinihintay ng mamamayan lalo na sa mga isyung umaaray na ang maraming tao.

Mula nang maupo si Pangulong Marcos noong Hulyo ay nakabiyahe na ito sa Indonesia, Singapore, US, Cambodia, Thailand, Belgium, China at pinakahuli sa Switzerland.

Naunang nangako naman ang pangulo na babawasan na ang mga biyahe sa abroad ngayong 2023.

Facebook Comments