Madalas na pagpapakawala ng missile ng North Korea, kinondena ng Pilipinas, US, at Japan

Mariing kinondena ng Pilipinas, US, at Japan ang napapadalas na pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea.

Sa joint statement ng tatlong bansa, nakababahala umano ang ganitong banta sa kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific at European regions.

Dahil dito, pinagtibay ng Pilipinas, US, at Japan ang kanilang commitment sa kumpletong denuclearization sa rehiyon.


Nanawagan din ang tatlong bansa sa North Korea na sumunod sa mahalagang United Nations Security Council Resolutions, at iwasan ang patuloy na pag-develop, testing at paglilipat ng ballistic missiles sa iba pang bansa tulad ng Russia na ginamit ang mga missile na ito laban sa Ukraine.

Isinusulong din ng trilateral countries ang isang mundo na walang nuclear weapons, at nanawaan sa mga bansang may taglay nito na itaguyod ang katatagan at transparency at sumali sa mahahalagang dayalogo kung papano mababawasan ang panganib ng nuclear weapons.

Facebook Comments