Manila, Philippines – Umabot na sa 177,929 ang mga nahuling lumabag sa iba’t ibang city ordinance sa Metro Manila mula June 13 hanggang August 26 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay NCRPO Director C/ Supt.Guillermo Eleazar – sa kabuuang bilang, 22 lang ang nakulong; 122,344 ang binigyan ng verbal warning; 35,668 ang pinagmulta at 19, 917 ang ipinagharap sa reklamo.
Bukod dito, nasa 63, 093 indibidwal naman ang nahuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Facebook Comments