MADAMI NA | Bilang ng naitatalang election related violence ng PNP – Umakyat na sa 36

Manila, Philippines – Umabot na sa 36 ang bilang ng karahasang naitatala ng Philippine National Police sa kasagsagan ng election period mula noong April 14 hanggang ngayong araw.

Sa press briefing sa Camp Crame – sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na sa 36 na election violent incident, 33 ang naitalang namatay.

Nasa 28 naman na suspeks sa mga insidente ng karahasan ang tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan.


Samantala, kinumpirma ni Albayalde na itinalaga na ang mahigit walong daang pulis sa Maguindanao, Sulu, Lanao Del Sur at Basilan bilang board of election tellers matapos na magback-out ang mga guro dahil sa takot sa kanilang seguridad.

Katuwang ng PNP ang Militar sa pagpapatupad ng ligtas at payapang eleksyon sa Mindanao.

Facebook Comments