MADAMING NAMATAY | 20, patay sa volcano tsunami sa Indonesia

Indonesia – Hindi bababa 20 indibidwal ang nasawi habang nasa 165 ang sugatan sa pagtama ng “volcano tsunami” sa Indonesia.

Nangyari ang insidente alas 9:30 ng gabi, oras sa Indonesia.

Karamihan sa mga namatay ay naitala sa pandeglang, South Lampung at Serang Regions.


Ilang bahay at gusali rin ang winasak ng tsunami.

Ayon sa disaster management agency, posibleng “undersea landslides” ang tsunami matapos pumutok ang Anak Krakatoa Volcano.

Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang nawawala.

Facebook Comments